Welcome to Calapan City!

ISO CERTIFICATION

Isinagawa sa City Hall ang Stage 1 Audit Opening Meeting bilang mahalagang hakbang sa ISO Certification ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan. Isa ito sa priority projects ni Mayor Doy C. Leachon, na pinapahalagahan ang mataas na pamantayan ng serbisyo publiko.
 
Matatandaang unang nakamit ng Calapan City ang ISO Certification noong unang termino ni Mayor Doy, at patuloy nitong pinapaigting ang mahusay na pamamahala at maayos na sistema ng lungsod.
 
Ang hakbang na ito ay patunay ng dedikasyon ng pamahalaang lungsod sa maayos at de-kalidad na serbisyo publiko, episyenteng pamamalakad, at transparency—tungo sa Maayos na Bayan Sigurado.