Welcome to Calapan City!

FEDERATION OF FARMERS ASSOCIATION TRAINING ON FINANCIAL LITERACY

Financial Literacy Seminar, Isinagawa para sa mga Magsasaka ng Calapan City
Kasanayan sa pananalapi ng nasa sektor ng agrikultura, mas pinatatatag
 
Mahalaga ang kaalaman sa pananalapi para sa mga magsasaka upang matiyak na napapangasiwaan nila nang maayos ang kanilang kita, at napaghahandaan ang kinabukasan ng kanilang pamilya at sakahan.
 
Kaugnay nito, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy C. Leachon ng Financial Literacy Seminar para sa mga magsasaka sa lungsod. Layunin ng programa na palakasin ang kanilang kakayahan sa pagba-budget, pag-iimpok, at wastong paggamit ng puhunan.
 
Ang inisyatibang ito ni Mayor Doy ay bilang bahagi ng kanyang layunin na mapatatag ang kabuhayan ng mga magsasaka at higit pang mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa lungsod. Pinangasiwaan ng City Trade and Industry Department sa pangunguna ni CTID OIC Ms. Joan Leynes ang naturang pagsasanay.
 
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo kay Ms. Pam Rago, City Agricultural Services Department – OIC sa pagtitiyak na maayos, matatag, at patuloy na umuunlad ang kanilang sektor.
 
Sa sama-samang pagsisikap, patuloy na nabibigyan ng suporta at angkop na kaalaman ang mga magsasaka sa lungsod ng Calapan.