







Nagsagawa ng coordination meeting ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni City Administrator Angel Navarro para sa nalalapit na People’s Day 2026 sa Marso 17 sa OMNHS Gymnasium.
Sinigurong magiging maayos ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo tulad ng eyeglasses at assistive devices distribution, Solo Parent IDs, life jackets at BPATs chaleco, livelihood assistance sa farmers’ associations, AXA insurance, SK monoblock chairs, health services, mass blood donation, Orange Health Card, legal assistance, mobile registration para sa clerical error, police clearance, at Kadiwa Store.
Malapit sa puso ni City Mayor Doy C. Leachon ang makapaghatid at mailapit pa ang serbisyo ng Pamahalaang Lungsod sa mga barangay, upang mas marami pang mamamayan ang direktang makinabang sa mga programa at inisyatibo ng lokal na pamahalaan.