Welcome to Calapan City!

UNANG LUNES NG MARSO, CALAPEÑO

UNANG LUNES NG MARSO, CALAPEÑO
Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang siyang ibinahagi ni Mayor Doy C. Leachon sa unang Monday Flag Raising Ceremony ng CGC.
 
Paalala niya na sa pagpasok ng bagong buwan, ito rin ay bagong pagkakataon upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng dekalidad at maaasahang serbisyo publiko sa bawat Calapeño. Hinihikayat niya ang lahat ng kawani na patuloy na magsikap at maging inspirasyon, upang sama-samang maitaguyod ang mas maunlad at mas maayos na lungsod. Kasabay nito, ipinakilala rin ni Mayor ang dalawang bagong Head of Office, sa katauhan nina Ms. Glenda D. Valerio bilang PDAO Head at Madam Imelda Dacillo bilang OSCA Head.
 
Ayon kay Mayor Doy, ang kanilang pag-upo ay isang hakbang upang mas mapaigting ang serbisyo publiko, lalo na sa mga PWD at Senior Citizens sa lungsod, at inaasahang maging katuwang sa pagbibigay ng maayos at mabilis na serbisyo sa mga sektor na ito.
 
Samantala, nagpaalala naman Calapan City – Bureau of Fire Protection sa mga Calapeño tungkol sa kahalagahan ng pag-iingat laban sa sunog ngayong Fire Prevention Month. Hinikayat ng BFP – Calapan ang bawat pamilya na regular na i-check ang kanilang electrical appliances, maging maingat sa pagluluto, at makiisa sa mga isinasagawang fire drills upang mapangalagaan ang kanilang buhay, ari-arian at komunidad na kinabibilangan. Kasabay nito, pinaalalahanan din ng BFP Calapan ang mga barangay na maging aktibo sa kampanya laban sa sunog upang mas maprotektahan ang buong komunidad.
 
Isang pagkilala at pagbati naman mula sa Pamahalaang Lungsod ang ibinigay kay Ms. Naomi Felicity Perez Aytin, na nasungkit ang pagiging Back-to-back National Age Group Triathlon Champion (16–19 Category). Patunay lamang na kapag kabataan ng Calapan, laging may galing, tatag, at palaban!