Welcome to Calapan City!

Patuloy na paghahanda para sa ISO Certification

PATULOY NA PAGHAHANDA PARA SA ISO

Matagumpay na naisagawa ang internal audit sa iba’t ibang departamento at opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan. Agad ding isinagawa ang isang follow-up meeting ngayong araw upang talakayin ang mas detalyadong mga hakbang kaugnay ng patuloy na paghahanda para sa ISO Certification ng lungsod.
 
Ang mga inisyatibong ito ay bahagi ng masusing paghahanda upang matiyak ang muling pagkakamit ng ISO Certification — isang patunay ng patuloy na pagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa mga Calapeño at ng pamamalakad ng Pamahalaang Lungsod na naaayon sa international standards.