Welcome to Calapan City!

PAGPAPATIBAY NG KAALAMAN SA KARAPATANG PANTAO, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG CALAPAN

PAGPAPATIBAY NG KAALAMAN SA KARAPATANG PANTAO, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG CALAPAN
 
Isinasagawa ngayong araw ang isang mahalagang Human Rights Education and Mainstreaming Activity sa Conference Hall na dinaluhan ng mga kawani ng Pamahalaang Panlungsod ng Calapan.
 
Pinangunahan ng Commission on Human Rights (CHR) katuwang ang City Human Resource Management Department sa pamumuno ni Ms. Marian Teresa Tagupa, OIC ang malalimang talakayan upang mas mapalawak ang pang-unawa ng ating mga lingkod-bayan sa mga batayang karapatan at ang integrasyon nito sa serbisyo publiko.
 
Layunin ng aktibidad na ito na tiyaking bawat polisiya at aksyon ng ating lokal na pamahalaan ay kumikilala at rumerespeto sa dignidad ng bawat Calapeño.
 
Naniniwala ang Pamahalaang Panlungsod ng Calapan na ang mahusay na pamamahala ay nagsisimula sa pagkilala sa karapatan ng bawat mamamayan.