







₱176,500 Birthday Payout Ipinamahagi sa 110 Senior Citizens ng Lungsod ng Calapan
Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang pamamahagi ng birthday payout para sa mga senior citizen na may edad 80 pataas. Umabot sa 110 na mga katandaan ang naging benepisyaryo ng naturang programa, na may kabuuang halagang ₱176,500.00 na naipamahagi bilang pagkilala at suporta sa kanilang espesyal na araw.
Ayon sa pamahalaang lungsod, layunin ng programa na ipakita ang patuloy na pagpapahalaga at pag-aaruga sa mga nakatatanda sa komunidad. Ang birthday payout ay bahagi ng mga serbisyong panlipunan na nagbibigay ng dagdag na tulong pinansyal at moral na suporta sa ating mga senior citizen.
Ang gawaing ito ay patunay lamang na patuloy si Calapan City Mayor Doy C. Leachon sa kanyang pagsuporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang kapakanan at dignidad nina lolo at lola. “Mahalagang pahalagahan ang mga senior citizen sapagkat sila ang nagsilbing haligi ng ating lipunan” aniya pa.
Nagpaabot din ng taos-pusong pasasalamat ang mga senior citizen sa City Social Welfare and Development Department (CSWD) sa ilalim ng pamamahala ni CSWDO Juvy Bahia RSW, sa maayos na pangangasiwa at koordinasyon nila sa naturang payout na naging daan upang matagumpay itong maisakatuparan.