





Matagumpay na naisagawa ang Barangay Gender and Development (GAD) Planning and Budgeting Training Workshop na ginanap sa Kalap Hall kung saan dinaluhan ito ng mga GAD focal persons ng bawat barangay sa lungsod ng Calapan. Pinangunahan ng ating GAD Office ang nasabing aktibidad upang matiyak na ang mga programa at badyet ng ating barangay ay tumutugon sa pangangailangan ng lahat ng kasarian.
Layunin ng workshop na ito na mas mapatibay ang mga inisyatiba para sa inklusibong pag-unlad at proteksyon ng bawat mamamayan na isa sa mga hangarin ni City Mayor Doy Leachon. Saludo kami sa dedikasyon ng ating mga opisyal sa pagbuo ng mga planong may malasakit para sa lungsod ng Calapan!