Welcome to Calapan City!

KALAP ARTS FESTIVAL 2026: ANI NG SINING, KATOTOHANAN AT GITING!

Makulay at masigla ang naganap na KALAP Arts Festival 2026 na may temang “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting”, ang aktibidad na ito ay bahagi ng nakalinyang gawain para sa pagdiriwang ng Kalap Festival 2026, 28th Cityhood Anniversary, gayundin bilang bahagi ng selebrasyon ng National Arts Month.
 
Pinangunahan ng City Tourism, Culture and Arts Office, ang nasabing aktibidad sa pamumuno ng OIC nito, sa katauhan ni Mr. Christian Gaud. Tunay namang pinuno ng buhay at kulay ang gawaing ito sa pamamagitan ng sining, musika, at inspirasyon.
 
Isa sa mga highlights ng kaganapan ay ang Solo Art Exhibit ni Ms. Marites Van Vianen, isang International Visual Artist, na naghatid at nagbahagi ng kanyang kamangha-manghang koleksyon at mga obra. Mula sa bawat brush stroke hanggang sa bawat detalyeng nakapaloob sa kanyang mga likha, ramdam ang tunay na giting at lalim ng katotohanan sa sining. Gayundin namalas ng mga panauhin na dumalo ang koleksyon ng miniature trees na Bonsai sa isang Bonsai Exhibit.
 
Kasabay ng exhibit, napuno ng sigla at inspirasyon ang venue sa pamamagitan ng cultural presentations, makukulay na pagtatanghal, at mga mensahe mula sa piling panauhin gaya nina Vice Mayor Bim Ignacio, CA Angel Navarro, Committee on Culture Chairperson Hon. Rius C. Agua, at marami pang iba.
 
Ito ay isang pagdiriwang ng malikhaing diwa, kultura, at pagkakaisa sa sining nating mga Calapeño. Isinagawa ang nasabing aktibidad sa Kalap Heritage, Culture and Arts Building, Lunes ika 23 ng Pebrero na tatagal hanggang ika 28 ng Pebrero.