Welcome to Calapan City!

Isang Makabuluhang Panimula para sa Patuloy na Paglilingkod!

Pinangunahan ni City Vice Mayor Bim Ignacio kinatawan, kasama ang mga Konsehal ng Sangguniang Panlungsod, ang ginanap na Flag Raising Ceremony ngayong araw kasama ang City Housing and Urban Settlements Department sa ilalim ng pamumuno ni Engr. Redentor Reyes. Ito ay nagsilbing hudyat ng muling pagpapatibay sa sinumpaang tungkulin ng mga kawani ng pamahalaan bilang lingkod bayan.
 
Ang pagkakaisang ito ay simbolo ng ating iisang mithiin: ang magbigay ng tapat, mahusay, at makataong serbisyo para sa bawat mamamayan.