Welcome to Calapan City!

CITY HEALTH BOARD MEETING

Pamahalaan Lungsod ng Calapan, Ipinagpapatuloy ang Malawakang Pagtutok sa Kalusugan ng mga Mamamayan
 
Pinaiigting ng pamahalaang lungsod ng Calapan ang pagbibigay-priyoridad sa kalusugan ng mga mamamayan bilang bahagi ng pangangalaga sa kanilang kapakanan at kaligtasan.
 
Kamakailan, naganap ang isang pagpupulong upang suriin at i-update ang mga lokal na programa sa kalusugan, kabilang ang Monitoring and Evaluation Updates ng Local Level Implementation Protocol (MELLPI-Pro), DOH updates including HFEP, Approval of a Resolution Creating a Philhealth Capitation Fund, Diagnostic Benefit Package (Philhealth Yakap), Creating the Registration and Accreditation Committee (RAC) for Barangay Health Workers (BHW) in the City of Calapan, gayundin tinalakay at nagkaroon ng masinsinang dayalogo ukol sa mga kaso ng infectious diseases gaya ng HIV AIDS at iba pang mahahalaga at napapanahong isyu sa kalusugan.
 
Pinagtibay ang pagpupulong ng dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pangunguna ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, City Health and Sanitation Department sa pamamahala naman ni Dr. Basilisa Llanto – CHO, at iba pang pangunahing kinatawan ng mga konsernadong opisina, at ahensya na bumubuo sa City Health Board and City Nutrition Committee.
 
Ang kasalukuyang administrasyon ay patuloy na paghuhusayin ang serbisyo, pag-aaral, at koordinasyon sa anumang sektor ng kalusugan para sa kapakinabangan ng bawat mamamayan ng Calapan.