Welcome to Calapan City!

CASH DISTRIBUTION FOR OCTOGENARIANS, NONAGENARIANS & CENTENARIAN

MATAGUMPAY NA NAISAGAWA ANG IKA-6 NA BUGSO NG CASH GIFT DISTRIBUTION PARA SA MGA SENIOR CITIZEN SA CALAPAN

Matiwasay at makabuluhang naisagawa sa Lungsod ng Calapan ang ika-6 na bugso ng Cash Gift Distribution para sa mga senior citizen sa ilalim ng Expanded Centenarians Act of 2016.

Layunin ng programang ito na kilalanin at pasalamatan ang mahalagang ambag ng ating mga nakatatanda sa lipunan, gayundin ang magbigay ng karagdagang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa maayos na koordinasyon at mahusay na pamamahala ng lokal na pamahalaan, naging organisado, ligtas, at mahinahon ang daloy ng pamamahagi ng tulong-pinansyal, na nagdulot ng kasiyahan at kapanatagan sa mga benepisyaryo.

Ipinapakita ng matagumpay na pagpapatupad ng programang ito ang kahalagahan ng aktibong papel ng lokal na pamahalaan sa pagbababa ng mga serbisyong direktang nakaaabot sa mamamayan. Tunay na maswerte ang katandaan sa Calapan sapagkat ang kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, ay patuloy na nagsusulong ng mga programang nakatutok sa pangangailangan ng bawat senior citizen.

Naging matagumpay ang isinagawang cash gift distribution para sa mga benepisyaryo dahil sa maayos at organisadong pamamalakad ng tanggapan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA), sa pamamahala ni Ms. Imelda Dacillo – OSCA Head.

Dahil sa mga dedikadong kawani ng OSCA, napanatili ang kaayusan at kaligtasan ng ating mga senior citizen na dumalo sa naturang cash gift distribution. Malinaw na naipakita ng OSCA ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay-serbisyo sa mga nakatatandang Calapeño.