





MGA BAGUM-BAGONG MOTORSIKLO, NAIPAMIGAY NA SA MGA MASWERTENG NANALO SA CALAPAN CITY FIESTA RAFFLE BONANZA 2026
Isang masayang awarding ceremony ang ginanap para sa mga mapapalad na nagwagi ng motorsiklo sa nagdaang Calapan City Fiesta Raffle Bonanza 2026 ng City Government of Calapan na pinangunahan ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon.
Lunes ika 23 ng Pebrero kasabay ng regular Monday flag raising ceremony ng CGC, pinangunahan ni Vice Mayor Bim Ignacio, 10th Sangguniang Panlungsod, at CHUSD Officer Engr. Redentor Reyes Jr., ang pag-aabot ng mga susi ng motorsiklo sa mga nanalo. Ramdam ang saya, pasasalamat, at excitement ng bawat mapalad na nabunot at nagwagi sa Calapan City Fiesta Raffle Bonanza 2026.
Higit pa sa papremyo at kasiyahan, batid ng lahat na ang raffle na ito ay may layuning makatulong — ang nalikom na proceeds ay ilalaan sa Sto. Niño Cathedral Parish upang masuportahan ang mga programa, pangangailangan, pagpapaganda at pagsasa-ayos ng ating simbahan.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumangkilik, nakilahok, at sumuporta. Dahil sa inyong pakikiisa, hindi lang tayo nakapagpasaya ng mga nanalo, nakapag-ambag pa tayo sa isang makabuluhang adhikain para sa ating komunidad.
Patuloy po nating suportahan ang mga ganitong gawain para sa ating simbahan. Sa sama-samang pagkilos, mas marami pa tayong matutulungan at mas marami pang biyaya ang maibabahagi.
Maraming salamat, Calapeños!