




Mainit na tinanggap ni City Administrator Angel Navarro, sa ngalan ng ating Punong Lungsod, ang mga kinatawan mula sa National Board ng Professional Regulation Commission (PRC) para sa isang courtesy call ngayong araw.
Kasama rin sa nasabing pagpupulong si Engr. Alven De Guzman, OIC ng Calapan City – Management Information Systems Office (MISO), upang talakayin ang mga posibleng kolaborasyon at pagpapabuti ng serbisyo para sa mga propesyonal sa lungsod sa pamamagitan ng teknolohiya at mas mabilis na sistema.
Kabilang din sa mga napag-usapan ang pagpapalalim ng ugnayan sa ilalim ng proseso na nasasakupan sa pagkuha ng Building Permits sa Lungsod upang patibayin lalo ang safety and security, lalo na ng mga establishments sa Calapan.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan sa mga pambansang ahensya upang masiguro ang de-kalidad na serbisyo para sa bawat Calapeño.