Welcome to Calapan City!

PUNONG-PUNO NG PANGARAP

Ika 19 ng Pebrero, isang makulay at masayang Career Day ang ginanap ng ating Calapan City Child Development Center.
 
Nakiisa ang mga chikiting na suot ang iba’t ibang damit o uniporme ng mga trabahong nais nilang maging balang araw.
 
May mga batang nagbihis bilang doctor at nurse, mayroon ding mga guro, pulis, bumbero, sundalo, chef, at marami pang iba! Kitang-kita naman sa kanilang mga ngiti ang saya habang ipinapakita nila ang kanilang mga kasuotan sa harap ng kanilang mga kaklase.
 
Ayon sa kanilang guro, layunin ng Career Day na turuan ang mga bata tungkol sa iba’t ibang trabaho sa komunidad at hikayatin silang mangarap nang mataas.
 
Ayon kay Calapan City Mayor Doy C. Leachon, nais niyang ipabatid sa kabataang Calapeño ang kahalagahan ng pagsisikap at pag-aaral upang maabot ang kanilang mga pangarap balang araw at maging mga produktibo at epektibong mamamayang Calapeño.
 
Munting pangarap ngayon malaking tagumpay sa hinaharap!