





Ngayong araw, nakiisa ang mga kawani at opisyal ng ating Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pagdiriwang ng Ash Wednesday. Sa pamamagitan ng isang Banal na Misa at ang tradisyonal na pagpapahid ng abo, ating sinimulan ang panahon ng Kuwaresma.
Ang abong ito ay paalala ng ating pagpapakumbaba at ang tawag sa pagbabalik-loob sa Maykapal. Nawa’y maging inspirasyon ito sa atin upang maglingkod nang may higit na pagmamahal, integridad, at malasakit sa ating kapwa.