





Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon ang ating lingguhang Flag Raising Ceremony ngayong araw, na sinundan ng isang makabuluhang programa upang kilalanin ang mga natatanging indibidwal na nagbigay ng dangal sa ating lungsod at bansa.
Mainit na tinanggap ng City Government of Calapan, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at ang Calapan City Tourism, Culture and Arts, ang “Philippine Looper” na si Ferdinand Dela Merced na nakiisa sa flag raising ceremony. Matapos dumating sa ating lungsod noong February 14, pormal siyang binigyang-pugay sa kanyang kahanga-hangang dedikasyon sa paglalakbay sa buong Pilipinas.
Hindi rin nagpahuli sa pagpapakitang-gilas ang ating mga lingkod-bayan at kabataang Calapeño:
Sina Mr. Melson Dilay ng City Human Resource Management Department sa kanyang pagkapasa sa Certified Human Resource Associate (HRA) Assessment Examination – Batch 67 at Kimberly Cabral na binigyang-pugay bilang Top 1 sa buong Pilipinas sa katatapos lamang na October 2025 NAPOLCOM Police Entrance Examination. Isang patunay ng galing ng Calapeño!
Kasama din sa naging panauhin ang Tita ng Calapan, Department of Human Settlements and Urban Development na nakipagcourtesy call kay City Mayor Doy Leachon at ang mga bagong halal ng Local People’s Council na nanumpa kay City Mayor Doy.
Bilang pagtatapos, lalong kuminang ang umaga sa pagpapakilala sa 15 naggagandahang kandidata para sa Mutya ng Lungsod ng Calapan na magrerepresenta sa iba’t ibang barangay.
Patuloy ang pagsulong ng Calapan! Maraming salamat sa lahat ng nakiisa.