





Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, muling pinatunayan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pangunguna ng ating Mayor Doy na ang pagmamahal ay walang pinipiling edad.
Idinaos ngayong ika-14 ng Pebrero 2026 sa City Convention Center, Tawiran ang Valentine’s Celebration para sa ating mga minamahal na senior citizens sa temang “Puso’y Laging Bata.” Layunin ng programa ni CSWDO Juvy Bahia na bigyang-pugay ang kanilang patuloy na ambag sa komunidad at iparamdam na sila ay mahalaga, pinahahalagahan, at patuloy na kabahagi sa masiglang pamumuhay ng lungsod.