





Matagumpay na naisagawa ang Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) Information Caravan para sa ating mga lokal na magsasaka. Pinangunahan ng Department of Agriculture ang inisyatibong ito at sa pakikipagtulungan ng City Agricultural and Services Department (CASD) sa pangunguna ni Ms. Pamela Rago. Samantala nagbigay naman ng mensahe si City Administrator Angel Navarro bilang kinawatan ni City Mayor Doy Leachon na mapaangat pa ang ani ng bawat magsasaka sa lungsod ng Calapan sa mga ganitong programa.
Ang Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) Information Caravan ay isang mahalagang programa ng Department of Agriculture (DA) na naglalayong ilapit sa mga magsasaka at mga nasa sektor ng agrikultura ang tamang kaalaman tungkol sa ligtas at epektibong paggamit ng mga pataba (fertilizer) at pestisidyo.
Ang pangunahing mithiin nito ay turuan ang mga magsasaka kung paano mapapataas ang ani nang hindi naisasantabi ang kaligtasan ng kalusugan at kapaligiran. Layunin din ng programang ito na ituro ang tamang paggamit ng abono at pestisidyo upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga pananim, proteksyon ng ating kapaligiran, at paglago ng kita ng ating mga bayaning magsasaka.