





Ginanap ngayong araw ang isang mahalagang pagpupulong para sa mga bagong hired na trainers na magsisilbing katuwang sa paghubog ng galing at disiplina ng ating mga atletang Calapeño. Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na MIMAROPA Regional Athletic Association (MRAA) 2026.
Ang nasabing oryentasyon ay pinangunahan ng City Youth and Sports Development Department (CYSDD) sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Marvin Panahon, katuwang ang Department of Education (DepEd) Calapan City Division.
Layunin ng kolaborasyong ito na masiguro na ang bawat kabataang manlalaro ay makatatanggap ng de-kalidad na pagsasanay at sapat na suporta upang muling itaas ang bandila ng Calapan sa larangan ng palakasan na isa sa mga inisyatibo ni City Mayor Doy Leachon na ang bawat kabataang Calapeño ay makapaguwi ng karangalan para sa lungsod ng Calapan.