





PAGPAPALAKAS NG DIGITAL SECURITY
Ginanap ang isang mahalagang pagpupulong sa pagitan ng City Human Resource and Management Department (CHRMD) sa pangunguna ni Ms. Marian Teresa Tagupa, OIC at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang ipakilala at talakayin ang implementasyon ng Philippine National Public Key Infrastructure (PNPKI).
Layunin ng hakbang na ito na tiyakin ang integridad at seguridad ng mga dokumentong inilalabas ng CHRMD sa mga online platforms nito at portal para sa mga empleyado ng City Government of Calapan.
Sa tulong ng cryptography at digital certificates, magkakaroon ng karagdagang “layer of protection” ang ating mga files laban sa pamemeke at unauthorized access.
Patuloy ang ating lungsod sa pag-yakap sa makabagong teknolohiya para sa isang mas ligtas at mapagkakatiwalaang serbisyo publiko!