Welcome to Calapan City!

BASKETBALL PARA SA PAGKAKAISA!

Matagumpay na naisagawa ang Draw Lots at Team Bracketing para sa nalalapit na City Mayor’s Cup Inter-Barangay Basketball Tournament na ginanap sa City Plaza Pavilion!
Sa inisyatibo ng ating City Government of Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon, layunin ng palarong ito na itampok ang galing at talento ng mga Calapeño sa larangan ng basketball. Narito ang mga detalye:
 
Sino ang sasali? Halos buong Calapan ang reresbak! 60 out of 62 barangays ang kumpirmadong lalahok.
 
Walang Gastos: Libre ang Entrance Fee para sa lahat ng teams.
 
Full Support: Lahat ng uniporme ay sponsored din ng City Government!
 
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng ating City Youth and Sports Development Department (CYSDD) sa pamumuno ni Mr. Marvin Panahon.
Handa na ba ang inyong barangay? Ipakita ang puso at galing sa court!