





Idinaos ang lingguhang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng City Architectural Planning and Design Department (CAPDD) ngayong umaga. Pagkatapos ng pagtitipon, nagbigay ng isang mahalagang mensahe si Mr. Marvin Panahon ng City Youth and Sports Development Department ukol sa Employee Wellness Program.
Binigyang-diin ni Mr. Panahon ang kahalagahan ng balanse sa trabaho at kalusugan. Hinihikayat ang lahat ng kawani ng City Government of Calapan na makiisa sa nakalaang oras para sa ehersisyo mula 4:00 PM hanggang 5:00 PM.
“Malaki ang maitutulong ng programang ito upang masiguro na ang ating mga lingkod-bayan ay nananatiling malakas at produktibo para sa mas mahusay na serbisyo sa mga Calapeño,” ani Mr. Panahon.