Welcome to Calapan City!

Strengthening Sustainable Aquaculture in Calapan City

Isinagawa ang benchmarking activity para sa pagpapakilala ng Giant Freshwater Prawn (Ulang) at Oyster (Talaba) farming sa Lungsod ng Calapan bilang bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng lungsod na paunlarin ang sektor ng pangisdaan at aquaculture.
 
Ginawa noong Pebrero 4, 2026 sa BFAR – National Fisheries Development Center, Bonuan Binloc, Dagupan City, Pangasinan, ang aktibidad ay dinaluhan ng Fisheries Management Office (FMO) katuwang ang HAYUMA, at ini-endorso ng BFAR Region IV-B MIMAROPA.
 
Layunin ng benchmarking na ihanda ang mga sumusunod na pilot testing sa Calapan City:
 
1. Pilot testing ng Giant Freshwater Prawn (Ulang) sa Calapan City Agriculture Demonstration Center (CADC) at sa piling fishpond sa Brgy. Balite, sa pakikipagtulungan ng Balite Farmers’ Association
 
2.Pilot testing ng Oyster (Talaba) culture sa Caluangan Lake, na pamamahalaan ng samahang mangingisda na HAYUMA

Pinagtitibay ng inisyatibong ito ang pangako ng Lungsod ng Calapan sa pagpapalakas ng kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at mangingisda, at sa pagsusulong ng makabago at napapanatiling aquaculture practices.