





Ngayong araw ika 6 ng Pebrero isinagawa ang Rescue Team Refresher Course on Crash Vehicle Extrication na pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Department sa pamamahala ni City DRRM Officer, Dennis Escosora.
Ang pagsasanay ay may layunin na muling mabigyan ang ating responders ng kaalaman kung paano sila tutugon sa mga insidente katulad ng crash vehicle.
Ilan sa mga nilaman ng talakayan at pagsasanay ay patungkol sa mga kagamitan at proteksyon na kinakailangan ng ating mga responders, mga hakbang ng extrication of injured person o ang pagtanggal ng mga indibidwal na nakulong o na-trap sa sasakyan, mga practical exercises na kanilang gagawin at iba pa.
Matapos ang pagsasanay, makaaasa ang mga mamamayan ng lungsod na ang ating mga responders ay mayroon ng mas malawak na kaalaman tungkol sa crash vehicle extrication and rescue.
Sa lungsod ng Calapan, ligtas ang mga mamamayan!