Welcome to Calapan City!

PAGHAHANDA PARA SA WORLD-CLASS NA SERBISYO: ISO Mock Audit Training, Isinagawa!

Bilang bahagi ng ating layunin na makamit muli ang ISO Certification, sumailalim sa isang masusing ISO Mock Audit Training ang mga itinalagang Internal Auditors mula sa iba’t ibang departamento ng City Government of Calapan. Matatandaang ISO Certified na ang Lungsod ng Calapan na noo’y City Mayor na rin si Mayor Doy Leachon noong panahong iyon.
 
Ang pagsasanay na ito ay mahalagang hakbang upang masiguro na ang ating mga proseso ay tumutugon sa international standards. Sa pamamagitan ng pag-audit sa bawat tanggapan, mas mapapabuti natin ang sistema ng pagtatrabaho at mas mapapabilis ang serbisyo para sa bawat mamamayan.
 
Patuloy nating itataas ang antas ng pamamahala tungo sa isang mas progresibo at de-kalidad na Lungsod ng Calapan upang muli nating makamit ang ISO Certification!