





Modernong pasilidad at produktong dekalidad ang layon at hatid ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program para sa sektor ng agrikultura.
Kaugnay nito, ika 5 ng Pebrero, sa Biga Demo Farm opisyal na naisagawa ang MOA Signing sa pagitan ng PHilMech at ng mga FA ng Barangay Malad, Sta. Cruz at Baruyan na siyang magiging benepisyaryo ng Drying System na binubuo ng agricultural shed at recirculating dryers.
Paniniwala ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, sa pamamagitan ng mga modernong pasilidad, inaasahang mapababa ang postharvest losses, mapataas ang kalidad ng bigas, at mapalaki ang kita ng mga magsasaka sa lungsod ng Calapan.
Patunay ang proyektong ito sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na isulong ang modernisasyon ng agrikultura, palakasin ang postharvest efficiency, at tiyakin ang mas matatag at masaganang kabuhayan para sa mga magsasaka ng lungsod.
Ayon naman kay City Agricultural Services Department OIC – Ms. Pam Rago, “Sa tulong ng mechanical dryer, mas napapanatili ang kalidad ng palay, mas mataas ang ani at mas malaking kita para sa ating mga magsasaka.”
Pag-asa at suporta para sa sektor ng agrikultura!