





Matagumpay na isinagawa ang oryentasyon at pagbuo ng Capacity Development (CapDev) Framework at LGU CapDev Agenda para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pakikipagtulungan ng DILG.
Layunin ng inisyatibong ito na mas mapataas ang antas ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga kasanayan at kaalamang dapat pang linangin sa bawat departamento. Sa gabay ng DILG, patuloy nating hihigitan ang kalidad ng paglilingkod para sa bawat Calapeño.