





Sinimulan na ngayong araw ang tatlong araw na Final Training Calapan City Convention Center para sa mga miyembro ng ISO Committee ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan. Ang hakbang na ito ay bahagi ng masigasig na layunin ni City Mayor Doy Leachon na muling makuha ang ISO Certification para sa ating lungsod.
Bakit ito mahalaga?
Mas Maayos na Sistema: Para sa mas mabilis at sistematikong proseso sa loob ng city hall.
Dekalidad na Serbisyo: Upang masiguro na ang bawat Calapeño ay nakatatanggap ng serbisyong “standard” at de-kalidad.
Kapakinabang na Programa: Mas maayos na implementasyon ng mga proyekto para sa bawat sektor.
Patunay ito na sa pamumuno ni Mayor Doy, hindi tayo tumitigil sa pag-improve para sa mas tapat at mahusay na paglilingkod!