Welcome to Calapan City!

SOCIAL PENSION VALIDATION SA BARANGAY SILONAY

Isinagawa ngayong araw ang Social Pension Validation sa Barangay Silonay, kung saan nagtipon-tipon ang ating mga kababayang Senior Citizen mula sa iba’t ibang barangay ng Lungsod ng Calapan.
 
Ang mahalagang gawaing ito ay matagumpay na naisakatuparan sa pagtutulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng City Social Welfare and Development Department (CSWD) Calapan sa pamumuni ni Ms. Juvy Bahia.
 
Bakit mahalaga ang validation na ito? Alinsunod sa pambansang patakaran, ang Social Pension ay inilaan para sa mga nakatatanda na:  Walang natatanggap na pensyon mula sa SSS, GSIS, at iba pang katulad na ahensya. Walang ibang permanenteng pinagkukunan ng suportang pinansyal mula sa gobyerno.
 
Layunin ng ating Pamahalaang Lungsod sa pamununo ni City Mayor Doy Leachon na masigurong ang benepisyo ay direktang makakarating sa mga lolo at lola nating tunay na nangangailangan at kwalipikado sa ilalim ng batas. Patuloy ang ating pakikipag-ugnayan upang matiyak na walang maiiwang nakatatanda sa ating lungsod.