Matagumpay na isinagawa ang Basic Fishery Law Enforcement Training (BFLET) ngayong araw, February 03, 2026, sa El Pueblo Resort Calapan City. Ang mahalagang pagsasanay na ito ay dinaluhan ng mga Fisherfolk Organization Presidents at ating mga dedikadong Volunteer Bantay Dagat mula sa iba’t ibang bahagi ng Lungsod ng Calapan.
Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), katuwang ang Fisheries Management Office (FMO) ng Calapan City.
Layunin ng BFLET: Bigyang-diin ang tamang kaalaman at kasanayan sa pagpapatupad ng batas pangisdaan. Labanan ang mga ilegal at maling gawi sa pangingisda (IUUF). Palakasin ang kakayahan ng ating mga mangingisda sa pag-uulat ng mga iregularidad sa ating karagatan.
Sa tulong ng mga eksperto mula sa BFAR Law Enforcement Group, mas pinatibay ang pwersa ng ating mga lokal na bayani ng dagat upang matiyak na ang ating yamang-dagat ay mapoprotektahan para sa susunod na henerasyon.





