Welcome to Calapan City!

ANG PAGHAHANAP SA SUSUNOD NA MUTYA NG CALAPAN, NAGSIMULA NA!

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-28 Taong Pagiging Lungsod ng Calapan ngayong Marso 2026, pormal nang sinimulan ang pagpaplano para sa pinakahihintay na Mutya ng Lungsod ng Calapan.
 
Pinangunahan ni Bokal RL Leachon, bilang Chairman ng komite, ang naging pagpupulong kung saan masusing inilatag ang mga hakbang upang masiguro ang tagumpay ng pageant na ito. Bilang isa sa mga pangunahing highlight ng ating taunang Kalap Festival, inaasahan ang isang gabing puno ng ganda, talino, at kulturang Calapeño!
 
Abangan ang mas pinaganda at mas pinasayang selebrasyon para sa ating ika-28 Cityhood Anniversary!