





ka 2 ng Pebrero, sa Barangay Canubing I, isinagawa ang isang masusing validation ng Social Pension Program ng DSWD na mainit na sinuportahan at inasistehan ng Calapan City Social Welfare and Development Department sa pamamahala ni CSWDO Madam Juvy Bahia RSW. Ang nasabing programa ay orihinal na inilaan para sa mga senior citizens na wala pang natatanggap na pensyon mula sa SSS, GSIS, at iba pa.
Ang patakarang ito ay ipinatutupad sa buong bansa. Layunin nito na masigurong ang benepisyo ay mapupunta sa mga senior citizens na talagang walang natatanggap na iba pang suporta mula sa gobyerno.
Ang isinagawang validation at pagtutukoy ay bahagi ng pangakong walang maiiwang nakatatanda sa ating lungsod, at ang makatatanggap ng tulong at suporta ay ang higit na walang natatanggap at lubos na nangangailangan.