Welcome to Calapan City!

BAGONG LINGGO, BAGONG PAG-ASA PARA SA MGA KAWANI NG LUNGSOD NG CALAPAN!

Matagumpay na idinaos ang regular na Flag Raising Ceremony ng City Government of Calapan ngayong Lunes sa pangunguna ng ating masipag na City Mayor Doy Leachon at ng Management Information System Office sa pamumuno ni Engr. Alven O. De Guzman, OIC.
 
Sa layuning itaas ang antas ng serbisyo at kilalanin ang dedikasyon ng mga kawani, pormal nang ipinakilala ang mga bubuo sa komiteng susuri para sa Employees of the Month at Employees of the Year.
 
Narito ang mga dapat abangan:
 
 Employee of the Month: Tatanggap ng ₱10,000 at pararangalan ngayong darating na March 2026 kasabay ng pagdiriwang ng 28th Cityhood Anniversary ng Calapan.
 
 Employee of the Year: Ang mga mapipiling buwanang pinarangalan ay may pagkakataong tanghalin bilang Employee of the Year sa February 2027 na may kalakip na premyong ₱100,000!
 
Ang inisyatibong ito ay pinangungunahan ng City Human Resource Management Department (CHRMD) sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Marian Teresa Tagupa, OIC.
 
Magsilbi sana itong inspirasyon sa ating lahat na ibigay ang ating “best” para sa bawat Calapeño!