Welcome to Calapan City!

CGC MINI OLYMPICS 2026 MEETING

HANDA NA BA PARA SA CGC MINI OLYMPICS 2026? 
 
Matagumpay na isinagawa ang pagpupulong na pinangunahan ng City Youth and Sports Development Department (CYSDD), sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Marvin Panahon, para sa paghahanda sa inaabangang CGC Mini Olympics 2026.
 
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng selebrasyon ng Kalap Festival at ng ating ika-28 Taong Pagiging Lungsod ng Calapan. Layunin ng Mini Olympics na lalong pagbuklurin ang bawat kawani ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng sports at camaraderie.
 
Hinihikayat ang lahat ng empleyado ng City Government of Calapan sa pangunguna ni City Mayor Doy Leachon na makiisa at sumali sa iba’t ibang paligsahan. Gawin nating mas masaya, masigla, at makulay ang ating pagdiriwang!
 
Tara na, Calapan! Ipakita ang galing at pagkakaisa!