





Pagtatanim at pag-aagrikultura sa paraang organik, paggawa ng sarili at natural na pataba, paggamit ng katutubong binhi – ilan lamang ang mga ito sa tinalakay ni Mr. France Lawrence Denosta (RWAN Project Leader, MIMAROPA).
Masusing nakinig at nakiisa naman ang iba’t-ibang Farmer’s Association ng lungsod ng Calapan sa nasabing pagsasanay sa pamamagitan at pangunguna ng City Agricultural Services Department sa pamamahala ni CASD OIC Ms. Pamela Rago, Miyerkules ika 28 ng Enero sa Biga Demo Farm.
Balik sigla ng ating agrikultura, prayoridad ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon at ng kaniyang administrasyon.