Welcome to Calapan City!

Fuel Assistance para sa Mangingisdang Calapeño, ipinamahagi

561 na mangingisda ng Calapan ang nabigyan ng fuel subsidy sa ilalim ng programang Fuel Assistance to Fisherfolks sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
 
Sa mensahe nina CA Angel Navarro at Konsehala Genie Fortu, pinasalamatan nila ang kagawaran at kawanihan na nagsulong ng programang ito. Dagdag pa nila, tutulong din ang Pamahalaang Lungsod upang gumawa ng mga alternatibong hanapbuhay para sa kanilang hanay para sa mga panahong hindi sila makapalaot dahil sa sungit ng panahon.
 
Nakatanggap sila ng fuel cards na naglalaman ng Php 3,000.00 na maaari nilang gamitin sa mga akreditadong gasolinahan.
 
Sina CA Navarro, FMO OIC Willy Landicho at Konsehala Fortu ang nanguna sa pamamahagi ng nasabing ayuda sa mga mangingisda.
 
Tunay namang sa ilalim ng Administrasyon ni Calapan City Mayor Doy C. Leachon, dedikasyon at layon na pangalagaan ang kapakanan ng ating mga mangingisda.