Welcome to Calapan City!

Panibagong Karangalan para sa Calapan City mula sa Pandaigdigang Entablado!

Isang estudyante mula sa Calapan City, Oriental Mindoro, ang wagi at itinanghal na “Absolute Winner” sa katatapos lamang na Copernicus Olympiad sa Amerika!
 
Si Warren Wade Casuga, tubong Calapan City at mag-aaral ng Holy Infant Academy, kinatawan ang Pilipinas sa prestihiyosong VII Copernicus Olympiad, na ginanap sa Houston, Texas, USA, mula Enero 21–25, 2026.
 
Hindi lamang siya nagtamo ng Gold Award, kundi itinanghal din bilang Absolute Winner (1st Place) sa kompetisyon.
Ang Copernicus Olympiad ay kilala bilang isa sa prestihiyosong Science Olympiads sa Amerika, na nilalahukan ng pinakamahuhusay na kabataang talento sa agham mula sa buong mundo.
 
Hinarap ni Warren ang mga kalahok mula sa 16 na bansa, kabilang ang USA, Brazil, Vietnam, China, Taiwan, Azerbaijan, Bolivia, Indonesia, Jordan, Kazakhstan, Pakistan, Mexico, Mongolia, Peru, Romania, at Turkey.
 
Ang kahanga-hangang tagumpay na ito ay patunay ng kahusayan, disiplina, at global competitiveness ng mga Pilipinong estudyante, at nagdudulot ng labis na karangalan at pagmamalaki sa Calapan City, Oriental Mindoro, at sa buong Pilipinas.