





Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng Early Childhood Care Development (ECCD) Program Materials at ang paggawad ng Accreditation Certificates para sa ating mga masisipag na Child Development Workers (CDW).
Ang mahalagang aktibidad na ito ay pinangunahan ng ating City Mayor Doy Leachon, katuwang sina Vice Mayor Bim Ignacio at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod. Ang tagumpay na ito ay sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Department (CSWD) sa ilalim ng pamumuno ni Ms. Juvy Bahia, RSW.
Kasama ring tumanggap ng mga kagamitan para sa kani-kanilang Child Development Centers ang ating mga masigasig na Barangay Captains. Layunin nito na mas mapataas pa ang kalidad ng serbisyo at pag-aaral ng mga batang Calapeño sa bawat barangay.
Buong suporta ang City Government sa mga programang nagsusulong ng kapakanan at pundasyon ng ating mga kabataan. Saludo kami sa ating mga CDWs!