









Ginanap ngayong umaga ang lingguhang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng City Mayor’s Office sa ilalim ng liderato ni City Mayor Doy Leachon, kasama sina Vice Mayor Bim Ignacio at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Sa gitna ng seremonya, binigyang-pugay ang City Government of Calapan Employees’ Association (CGCEA) matapos nilang matagumpay na makamit ang Certification of Accreditation mula sa Civil Service Commission (CSC).
Ang mahalagang hakbang na ito ay magbubukas ng pinto para sa mga karagdagang benepisyo at proteksyon para sa ating mga tapat na kawani ng pamahalaan. Buo naman ang suporta ni Mayor Doy Leachon sa naturang asosasyon, bilang bahagi ng kanyang adhikain na itaguyod ang kapakanan ng mga empleyado upang mas lalo pang mapaganda ang serbisyong ibinibigay sa bawat Calapeño.