Isang malaking tagumpay para sa bawat kawani ng ating lungsod! Personal na ginawaran ng Certification of Accreditation mula sa Civil Service Commission (CSC) ang City Government of Calapan Employees’ Association (CGCEA).
Nagpaabot ng kanyang mainit na pagbati si City Mayor Doy Leachon sa pamunuan at mga miyembro ng asosasyon aniya mas maraming benepisyo ang nakahanda para sa mga empleyado ng lungsod.
Patuloy ang ating pagsuporta sa mga asosasyong naglalayong iangat ang antas ng serbisyo at pamumuhay ng ating mga manggagawa sa gobyerno.