






Patuloy na isinusulong ng United Chess Players of Calapan, Inc. (UCPCCI) ang pagpapalakas ng talino, disiplina, at estratehikong pag-iisip ng kabataan at chess enthusiasts sa lungsod sa pamamagitan ng kanilang Monthly Chess Tournament, na isinagawa sa pakikipagtulungan ng City Government of Calapan at ng City Youth and Sports Development Department (CYSDO) sa pakikipagtulungan ni CYSDO Marvin Panahon.
Ang aktibidad na ito ay hindi lamang isang paligsahan kundi isang mahalagang aktibidad upang hubugin ang karakter, sportsmanship, at kakayahan ng mga kalahok.
Sa patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan at ng CYSDO, ang ganitong mga inisyatiba ay nagsisilbing patunay ng konkretong hakbang tungo sa mas inklusibo, masigla, at talentadong Calapan City.
“When you see a good move, look for a better one.” – Emanuel Lasker