Pinangunahan ni City Administrator Angel Navarro ang isang mahalagang pagpupulong para sa improvement ng Batino Dumpsite kasama ang kinatawan mula sa City Engineering Public Works Department, City Environment and Natural Resources Officer Wilfredo Landicho, at City General Services Officer Mr. Policarpio Edmund Abas .
Ang pagtitipong ito ay bahagi ng inisyatiba ni City Mayor Doy Leachon na masiguro ang kalinisan at maayos na pamamahala sa ating Batino Dumpsite. Pangunahing tinalakay sa pulong ang kasalukuyang sitwasyon ng pasilidad at ang mga hakbang na dapat gawin upang ito ay mas maisaayos at mapaganda.
Bago ang nasabing meeting, personal na binisita at sinuri ng tatlong departamento kahapon ang dumpsite upang tukuyin ang mga karagdagang kagamitan at planong teknikal na kailangan para sa mabilis na rehabilitasyon nito.
Patuloy ang ating pamahalaang lungsod sa paghahanap ng mga solusyon para sa isang mas malinis at luntiang komunidad.





