PARA SA MAS MATIBAY NA PUNDASYON NG EDUKASYON SA CALAPAN!
Matagumpay na isinagawa ang School Board Meeting sa pangunguna ng ating City Mayor Doy Leachon, katuwang ang City Education Department sa pamamahala ni Ms. Marvie Mañibo (Officer-in-Charge).
Sentro ng pagpupulong ang pagtalakay sa mga nagdaang taong kalagayan ng mga paaralan at paglatag ng mga makabuluhang programa na naglalayong palakasin ang kalidad ng edukasyon sa Lungsod ng Calapan. Tinalakay rin ang mga nakalaang proyekto at suporta para sa iba’t ibang paaralan upang masiguro ang mas maayos at ligtas na pasilidad para sa ating mga mag-aaral.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang paaralan at mula sa mga konsernadong departamento ng Pamahalaang Lungsod at sina Committee Chairperson on Education Konsehal Rius Agua at Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Deo Lopez ng Sangguniang Panlungsod. Ang pagtitipong ito ay patunay ng mas pinatibay na ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng sektor ng edukasyon tungo sa mas maliwanag na kinabukasan ng bawat kabataang Calapeño.






