Welcome to Calapan City!

SAMA-SAMANG PAGKILOS TUNGO SA MAS MAUNLAD NA CALAPAN!

Isang produktibo at makabuluhang Department Heads Meeting ang isinagawa ngayong araw sa pangunguna ng ating Punong Lungsod, Mayor Doy Leachon. Nagtipon-tipon ang mga pinuno ng bawat departamento ng Pamahalaang Lungsod upang masusing pag-usapan at ilatag ang mga estratehikong programa para sa patuloy na ikauunlad ng Lungsod ng Calapan at mapagusapan na rin ang paghahanda sa ika-26 na taong pagkakatatag ng Calapan bilang isang lungsod.
 
Layunin ng pagpupulong na ito na matiyak ang maayos na koordinasyon ng bawat tanggapan upang mas mabilis at mas epektibong maihatid ang mga serbisyo sa bawat Calapeño. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at malinaw na plano, patuloy nating itataguyod ang isang lungsod na masigla, maunlad, at inklusibo para sa lahat.