Isang makabuluhang umaga ang sumalubong sa ating pamahalaang lungsod sa isinagawang Flag Raising Ceremony ngayong araw.
Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon, kasama ang mga kagalang-galang na Konsehal ng Sangguniang Panlungsod, mga department heads at ang mga kawani ng pamahalaang lungsod ang ating lingguhang pagpupugay sa watawat.
Ang pagtitipong ito ay hindi lamang tradisyon, kundi isang muling pagtitibay ng ating sinumpaang tungkulin na magsilbi nang may integridad, husay, at pagmamahal sa ating mga kababayan. Handa na kaming maglingkod para sa isang mas progresibong lungsod!







