Welcome to Calapan City!

26 na Taon ng Katapatan at Dakilang Serbisyo: Isang Pagkilala kay G. Marius L. Panahon

Isang makabuluhang sandali ang naganap ngayong umaga sa ating Flag Raising Ceremony. Pinangunahan ni City Mayor Doy Leachon, kasama ang ating mga Konsehal ng Sangguniang Panlungsod, ang paggawad ng pagkilala kay Mr. Marius L. Panahon para sa kanyang 26 na taong tapat na paglilingkod sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan.

Higit sa dalawang dekada ng sakripisyo, husay, at dedikasyon—ang naging kontribusyon ni G. Panahon ay tunay na hindi matatawaran. Siya ay nagsilbing haligi ng ating lokal na pamahalaan at inspirasyon sa lahat ng mga kawani na nagnanais maglingkod nang buong puso.

Maraming salamat sa iyong serbisyo, G. Marius! Ikaw ay isang tunay na huwarang Calapeño.