Welcome to Calapan City!

Huling Araw ng Pag-renew ng Business License sa Pamilihang Lungsod ng Calapan

Ngayong araw, Enero 18, 2026, isinagawa sa Pamilihang Lungsod ng Calapan ang huling araw ng schedule ng pag-renew ng business license para sa mga negosyanteng nasa pamilihan.

Ipinapaalala na ang itinakdang deadline ng pag-renew ay sa Enero 20, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan na maayos at maginhawang maihatid ang mahahalagang serbisyong pampamahalaan para sa mga negosyante.