Welcome to Calapan City!

HAPPENING NOW | Pag-renew ng Business License sa Public Market

Kasalukuyang pa ring isinasagawa ngayong Enero 18, 2026, sa Pamilihang Lungsod ng Calapan ang huling araw ng itinakdang schedule ng pag-renew ng business license para sa mga negosyanteng nasa pamilihan.

Ipinapaalala na ang itinakdang deadline ng pag-renew ay sa Enero 20, 2026. Inaanyayahan ang mga kinauukulang negosyante na samantalahin ang nalalabing oras upang maisagawa ang kanilang renewal.