Welcome to Calapan City!

PAGKAKAISA NG MGA KOOPERATIBA: PWERSA NG PAG-UNLAD SA LUNGSOD NG CALAPAN!

Matagumpay na idinaos ang Regular Quarterly Meeting ng Calapan City Cooperative Development Office (CCCDO) sa MinSU Audio Visual Room. Nagtipon-tipon ang mga lider at kinatawan ng iba’t ibang kooperatiba sa ating lungsod upang talakayin ang mga estratehikong proyekto at plano na lalong magpapatatag sa sektor ng kooperatiba.
 
Ang pagtitipon na ito ay sumasalamin sa prayoridad ni City Mayor Doy Leachon na mapaangat ang kabuhayan ng bawat pamilyang Calapeño. Sa pamamagitan ng paglalapit ng mga programa at direktang suporta sa mga kooperatiba, layunin nating gawing masigla ang lokal na ekonomiya at bigyan ng sapat na kakayahan ang ating mga mamamayan.
 
Dahil sa kooperatiba, sama-sama tayong aangat!